Sundalo patay sa panibagong bakbakan sa Basilan

 

Wesmincom photo/File

Muli na namang sumiklab ang bakbakan sa pagitan ng mga sundalo at Abu Sayyaf Group (ASG) sa bayan ng Sumisip, Basilan
Sa impormasyon mula kay Western Mindanao Command Spokesman Maj. Filemon Tan, ilang oras na tumagal ang palitan ng putok na nagsimula dakong alas 4:30 ng hapon, Miyerkules.

Ayon pa kay Tan, mga tauhan ni Furuji Indama ang nakaengkwentro ng tropa ng militar sa Brgy. Cabcaban, Sumisip Basilan.

Isang sundalo na ang iniulat na nasawi bagamat hindi muna ito pinangalanan.

Apat rin sa panig ng puwersa ng pamahalaan ang nasugatan sa engkwentro.

Read more...