Morale ng AFP laban sa mga terorista mataas ayon sa DND

Delfin Lorenzana
Inquirer file photo

Nilinaw ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bukod sa mga terorista ay target din nila na wakasan ang pamamayagpag ng insidente ng piracy, kidnapping at pambobomba sa Mindanao.

Base sa self-imposed na deadline ni AFP Chief of Staff Eduardo Año, planon ng AFP na mapuksa ang Abu Sayyaf Group (ASG) at iba pang lawless elements sa bansa sa loob ng anim na buwan hanggang isang taon.

Giit ni Lorenzana, malaki ang tiwala niya sa kakayanan at liderato ni Año bilang bagong pinuno ng AFP.

Paliwanag ng kalihim, malaki ang tulong sa government troops ang mataas na suporta na ipinapakita ng gobyerno at ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Maliban pa dito ay nagpapalakas rin aniya ng loob ng mga sundalo ang mga bagong equipments at resources na ibinibigay ng pamahalaan para tuluyan ng mapuksa ang ASG, Maute group, BIFF at Ansar Khilafa Philippines Group.

Read more...