Ayon kay Task Force Zamboanga Commander Col. Juvy Max Uy, maaring ang masaker ay dulot ng paghihiganti at ang isa naman ay simpleng extortion.
Paliwanag ni Uy, napatay ang leader ng isang lawless element noong buwan ng Nobyembre noong nakaraang taon sa isang military operation.
Pinaghihinalaan umano ng mga kaanak ng napatay na lawless leader ang mga kristiyanong mangingisda na nagbibigay impormasyon sa militar.
Sa anggulong extortion naman, aminado ang opisyal na marami talagang lawless elements na nag-ooperate sa nasabing lugar.
Giit nito na consistent ang report na kanilang nakukuha kaugnay sa operasyon ng mga lawless elements na nag ooperate sa may bahagi ng Moro gulf kung saan nangingikil ang mga ito sa mga mangingisda.
Tinukoy ni Uy ang isang Abu Ariff na siyang notortious extortionist na nag ooperate sa nasabing lugar at umano’y target ngayon ng kanilang military manhunt operations.