LPA na binabantayan ng PAGASA, malabong maging bagyo

LPASa ngayon ay malabo pang maging ganap na bagyo ang minomonitor na low pressure area (LPA) sa silangang bahagi ng Mindanao.

Ayon sa PAGASA, malakas ang vertical wind shear o hangin na posibleng humarang sa papalapit na LPA.

Huling namataan ang LPA sa layong 795 kilometer silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.

Sa pagtaya ng PAGASA, malabo itong maging bagyo sa susunod na bente kuwatro oras.

Samantala, posible pa ring magkaroon ng paminsan-minsang buhos ng ulan sa malaking bahagi ng Luzon dahil sa hanging amihan.

Read more...