Binuksan na ngayong umaga ng Department of Public Works and Highways ang pinalawak na Road 10 sa Tondo, Maynila.
Mula sa dating tig-dalawang lanes lamang, ngayon ay apat hanggang limang lanes na ang southbound at anim na lanes na ang northbound.
2015 nang buksan ang unang bahagi ng pinalawak na Road 10 mula sa Zarogasa hanggang Moriones.
2006 nang simulan naman ng DPWH ang proyekto sa pagpapalawak sa Road 10.
Natagalan lamang ang proyekto dahil sa problema sa right of way sa dami ng mga informal settlers.
May habang 9.7 kilometro ang pinalawak na road 10 kaya’t ito na ang magiging alternatibong daan kung pupunta sa NLEX o SLEX at airport nang hindi na dadaan sa EDSA kaya malaking kaluwagan sa trapiko ang maitutulong.
Ayon kay DPWH Sec. Mark Villar, malaking tulong din ito sa kabawasan sa trapiko sa C5 dahil ang mga trak na patungo sa Pier ay dito na dadaan derecho sa SLEX at NLEX.
Halimbawa aniya kung mula Maynila at patungong NLEX na dati ay umaabot ng dalawang oras, ngayon ay isang oras na lang.
Ang mga magmumula naman sa SLEX na patungong NLEX ay mababawasan ng isa’t kalahating oras ang biyahe.