Sa post ni Obama sa kanyang Twitter account na @POTUS, nagpasalamat ito sa huling pagkakataon sa lahat ng mga naniwala at nagbigay ng suporta sa kanya hanggang sa dulo ng kanyang pamumuno sa US.
Hiniling din ng outgoing president sa publiko na sa halip na maniwala sa kanyang abilidad na gumawa ng pagbabago, mas dapat aniyang paniwalaan ng lahat ang kanilang sariling kakayahan.
“Thank you for everything. My last ask is the same as my first. I’m asking you to believe_not in my ability to create change, but in yours.” nakasaad sa kanyang tweet.
Sa mga oras na ito, umani na ng 500,000 retweets ang naturang post ni Obama na itinuturing na pinaka-popular sa lahat ng kanyang tweets.
Ayon kay Twitter spokesman Nick Pacilio, naungusan pa nito ang naunang top tweet ni Obama na mensahe niya matapos lumabas ang ruling ng Supreme Court ukol sa gay marriage noong June 2015.
Aabot sa 13 million ang followers ng Twitter account ni Obama na @POTUS habang ang kanyang personal account na @BarackObama ay mayroon namang 80 million followers.