2 hinihinalang biktima ng summary execution, natagpuan sa Parañaque City

Patay sa Paranaque
Kuha ni Cyrille Cupino

Dalawang hinihinalang biktima ng summary execution ang natagpuan sa kahabaan ng Macapagal Blvd., Brgy. Don Galo, Parañaque City.

Ayon sa Parañaque City Police, nakagapos ang mga kamay at paa ng mga biktima at nakabalot ng packaging tape ang mukha.

Nakasuot ang unang biktima ng light blue na t-shirt, at naka-dark blue na pantalon, habang ang pangalawang biktima ay naka-suot ng dilaw na sweatshirt at itim na pantalon. Parehong may mga tattoo sa katawan ang dalawang biktima.

Ayon sa pulisya, walang tama ng bala, pero nagtamo ng mga saksak ng icepick sa iba’t ibang bahagi ng katawan ang mga biktima.

Wala namang iniwang karatula sa tabi ng mga ito.

Ayon sa mga otoridad, natagpuan umano ng isang vendor ang katawan ng mga biktima na ilang metro lamang ang pagitan mula sa isa’t isa.

Hanggang sa ngayon, wala pa ring pagkakakilanlan ang dalawa na hinihinalang biktima ng summary execution.

Nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon ng Parañaque City police sa nasabing insidente.

Read more...