Transmission lines ng NGCP sa mga tinamaan ng bagyong Auring, naayos na

 

Mula sa ngcp.ph

Naibalik na ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP) ang suplay ng kuryente sa kanilang mga nasirang tore sa kasagsagan ng pananalasa ng bagyong Auring noong nakaraang linggo.

Ayon sa NGCP, mas maaga sa kanilang schedule na natapos ng kanilang mga technical personnel at linemen ang pagkukupuni ng mga nasirang tore na naapektuhan ng naturang bagyo.

Kabilang sa mga linyang naipanumbalik na ang serbisyo ay ang Placer-Madrid 69kV line at Placer-Surigao 69kV lines.

Ang mga naturang linya ang nagsusuplay ng kuryente sa Surigao Del Norte Electric Cooperative (SURNECO), Siargao Electric Cooperative (SIARELCO) at Surigao del Sur 2 Electric Cooperative (SURSECO II).

Sa kasalukuyan, balik na sa normal na operasyon ang mga naturang linya.

Noong nakaraang linggo, tinamaan ng bagyong Auring ang ilang lalawigan sa Kabisayaan at Mindanao na nakaapekto sa ilang mga transmission lines ng NGCP.

Ilang lugar ang nakaranas ng mga pagbaha samantalang ang ilang lugar naman ay nawalan ng kuryente sanhi ng bagyo.

Read more...