Kanya-kanya umanong hugot ng budget ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaan kabilang ang Philippine National POlice na may partisipasyon sa idadaos na Miss Universe pageant sa January 30.
Ayon kag S/Supt. Emmanuel Licup, pinuno ng Special Task Force for Miss Universe na walang pondong ibinigay si Pangulong Rodrigo Duterte para sa operasyon ng mga ahensiyang mangangasiwa sa mga aktibidad na kaakibat ng idaraos na international event.
Paliwanag ni Licup, malinaw sa inisyung memorandum circular ng Malacañang na ang bawat ahensiyang kasali sa paghahanda ang silang maglalaan ng sarili nilang budget.
Sa panig ng pambansang pulisya, wala rin umanong pondo at bahala ng maglabas ng budget ang PNP para sa ipatutupad na security preparations.
Pangunahin na dyan, mangangailangan ng budget para sa gasolina para sa 51 Mahindra vehicles na gagamitin ng kanilang mga tuhan ganundin sa pagkain ng mga pulis na mangangasiwa ng seguridad.