Piskal, patay sa pananambang sa Quezon City

crime-scene-620x413Patay ang isang piskal matapos barilin sa harapan ng isang restaurant sa Barangay Old Balara sa Quezon City.

Naganap ang pananambang kay Quezon City Prosecutor Noel Mingoa ala 1:20 ng madaling araw.

Nakuha ang hindi bababa sa labingapat na basyo ng bala ng baril sa crime scene.

Isang lalaki umano na sakay ng kotseng itim ang bumaril kay Mingoa.

Ayon sa mga saksi, naglalakad lang si Mingoa sa bahagi ng Commonwealth Avenue nang bumaba sa kotse ang suspek at saka siya pinagbabaril.

Inaalam pa ng mga otoridad kung ano ang motibo sa krimen.

Read more...