Coast Guard, planong maglagay ng sea marshall sa mga barkong dumadaan sa Moro Gulf sa Mindanao

Photo from PCG
Masaker sa isang fishing boat sa Zamboanga City | Photo from PCG

Pinag-aaralan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang paglalagay ng mga sea marshall sa mga dumadaang barko sa Moro Gulf sa Mindanao.

Ayon kay Coast Guard officer-in-charge Commodore Joel Garcia, mas paiigtingin nila ang seguridad sa mga barko na dumadaan dito kasunod ng pag-atake ng mga pirata sa isang fishing boat na ikinasawi ng walong mangingisda sa Siromon Island, Zamboanga City.

Ito ayon kay Garcia ay bahagi na rin ng kanilang pulong sa mga kinatawan ng Philippine Inter Island Shipping Owners Association at Philippine Ship Liners Association upang ilatag ang mas mahigpit na seguridad.

Nakikipag-ugnayan na aniya sila sa Armed Forces of the Philippines at sa Philippine National Police para sa mas maigting na security measures.

Sinabi ng opisyal na matapos na paigtingin ng mga otoridad ang paglaban sa terorismo ay ibinaling ng mga terorista ang pag-atake sa mga fishing boat.

Noong unang linggo lamang ng Enero, 2 cargo vessel ang tinangkang I-hijack sa bahagi ng Matanal Island sa Basilan.

 

Read more...