Ang nasabing LPA ay huling namataan ng PAGASA sa 165 kilometers south ng Puerto Princesa City
Pero ayon kay PAGASA forecaster Benison Estareja, isang bagong LPA ang namonitor nila na nasa labas pa ng bansa.
Ang nasabing LPA ay nasa layong 1,240 kilometers east ng Mindanao at maaring pumasok sa bansa bukas ng tanghali.
Sa ngayon maliit pa naman ang tsansa na maging isang ganap na bagyo ang bagong LPA.
Sa pagtaya ng panahon para sa araw na ito, sinabi ng PAGASA na ang Bicol, Eastern Visayas at mga lalawigan ng Aurora, Quezon at Palawan ay makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan na maaring magdulot ng flashfloods at landslides.
Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang mararanasan sa CARAGA, nalalabing bahagi ng MIMAROPA at sa Visayas.
Habang mahinang pag-ulan ang iiral sa Metro Manila, Cagayan Valley at nalalabing bahagi ng Central Luzon at CALABARZON.