Laban sa mas mataas na SSS pension tuloy kahit ibibigay na ang P1,000 hike

Carlos-ZarateIkinatuwa ni BayanMuna PL Rep. Carlos Isagani Zarate ang pagkaka-apruba ni Pangulong Rodrigo Duterte sa dagdag-pensyon para sa mga pensioner ng Social Security System o SSS.

Sa anunsyo ng Malakanyang, inaprubahan ng presidente ang isang libong pisong SSS pension hike, na target maibigat sa mga pensioner ngayong buwan.

Nagpapasalamat si Zarate kay Duterte, sa liderato ng Kamara sa pangunguna ni House Speaker Pantaleon Alvarez at sa bagong SSS board sa pangunguna ni Chairman Dean Amado Valdez sa pakikinig sa boses ng publiko na ipagkaloob na sa pinakahihintay na SSS pension increase.

Ayon kay Zarate, ‘very minimal’ pa rin ang dalawang libong dagdag-pensyon para sa isang ‘decent and livable pension.’

Gayunman, umaasa ang mambabatas na makakatulong pa rin ito sa mga pensyonado upang makaagapay sa pamumuhay.

Tiniyak naman ni Zarate na patuloy na itutulak ng BayanMuna ang reporma at mas maagang implementasyon ng ikalawang P1000 tranche ng naturang pension hike.

Tutulong din aniya ang kanilang grupo sa SSS board sa paghahanap ng mga solusyon upang mapalawak ang fund life ng ahensya, nang hindi kinakailangang itaas ang SSS contributions.

Read more...