Matapos malunod ang dalawang binatilyo, paliligo sa Bakas River sa Bulacan, ipagbabawal na

 

Ipinagbabawal na ng lokal na pamahalaan ng Norzagaray, Bulacan ang pagtatampisaw o paliligo sa Bakas River sa nasabing bayan, matapos malunod doon ang dalawang estudyante ng Bulacan State Universtity noong January 7.

Ayon kay Mayor Ade Cristobal, walang sapat na pondo ang kanilang lokal na pamahalaan para mag-arkila pa ng life guards na magbabantay sa pitong-kilometrong haba ng Angat River System sa kanilang bayan kung saan nagsasanga ang Bakas River.

Ayon pa kay Cristobal, pinakiusapan niya ang konseho ng kanilang bayan na bumuo at mag-pasa ng ordinansang magbabawal sa paliligo sa ilog sa kasagsagan ng panahon ng tag-ulan.

Narekober na ang mga bangkay nina Jaycie Ronwill Balitaosan, 19-anyos, at Jericho Burgos, 17-anyos noong Lunes.

Natangay sila ng agos ng Bakas River kung saan kukuha sana sila ng mga footages para sa ginagawa nilang documentary film.

Read more...