Drug lord itinurong utak sa jail break sa North Cotabato

NCDJ
Inquirer file photo

Isang drug lord ang nasa likod ng naganap na jail break sa North Cotabato District Jail sa Kidapawan City noong nakalipas na linggo.

Ito ang naging pahayag ni North Cotabato acting Gov, Shirlyn macasarte-Villanueva kaugnay sa pagtakas ng 158 inmates sa NCDJ.

Ipinaliwanag ng opisyal na binayaran ng drug lord na si Melvin Casangyao si Esmaer Nasser, alyas Commander Derby ng P1 Million para gawin ang pagsalakay.

Ibibigay umano ang dagdag na P1 Million kapag naging matagumpay ang kanilang misyon.

Si Nasser ayon kay Villanueva ay pinuno ng isang breakaway group mula sa Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Kaugnay nito, sinabi ni Villanueva na magbibigay din sila ng P1 Million reward sa kung sinuman ang makakapagturo sa kinaroroonan nina Casangyao at Nasser.

May reward din na naghihintay para sa madaling ikadarakip ng iba pang mga tumakas sa nasabing jail facility.

Magugunitang mahigit sa 100 mga armadong kalalakihan ang sumalakay sa NCDJ noong January 3 ng madaling araw kung saan ay madali nilang naitakas ang ilang mga preso kabilang na ang naturang drug personality.

Read more...