Sa paunang report ng Philvocs, naitala ang epicenter ng lindol sa layong 190 kilometers Timog-Silangan sa bayan ng Tongkil sa lalawigan ng Sulu na may lalim na 612 kilometers kaninang 2:13 ng hapon oras sa Pilipinas.
Itinaas naman ng U.S Geological Survey (USGS) ang lakas ng lindol sa 7.3 magnitude habang hindi naman sila nagpalabas ng tsunamin alert advisory.
Naramdaman rin ang pagyanig sa ilang mga lugar tulad ng Zamboanga City at General Santos City.
Dahil sa lakas ng lindol ay nagbabala ang Philvocs sa posibilidad ng mga malalakas na aftershocks.
Ang bayan ng Tongkil ay isang 4th class municipality sa Katimugang bahagi ng Sulu.
Antabayanan ang mga dagdag na detalye sa Radyo Inquirer 990AM.