Bangkay ng lalaki natagpuang palutang-lutang sa Ilog Pasig

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Isang bangkay ng hindi pa nakikilalang lalaki ang natagpuang lumulutang sa bahagi ng Ilog Pasig sakop ng Quiapo, Maynila.

Natagpuang ang bangkay ng lalaki na palutang-lutang malapit sa Carlos Palanca St. na hinila ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard sa Palanca pumping station.

Tinatayang nasa 5’2 hanggang 5’4 ang taas ng biktima, katamtaman ang pangangatawan at nasa edad 40.

Ayon sa Homicide Section ng Manila Police District (MPD) wala silang nakitang tama o bakas na pinahirapan ang biktima.

Posible din anyang namatay sa ibang lugar ang biktima at inanod lamang sa lugar.

 

Read more...