Babae, natagpuang patay sa Navotas City

Photo from Navotas City Police
Photo from Navotas City Police

Natagpuang patay ang isang babae sa bahagi ng Tanigue St. Barangay Northay Boulevard South sa Navotas City.

Ayon kay PO3 Joemir Juhan, isang residente ang nagbigay-impormasyon sa mga patroller ng N-311 ng PCP-4 sa pangunguna ni PO1 Magbato nang rumanda ito sa kahabaan ng C3 Road bandang alas kwatro bente singko nang umaga.

Batay sa spot report, nasa kwarenta hanggang singkwenta anyos ang hindi pa nakikilalang biktima na 5 feet ang taas, itim ang buhok at may tattoo ilang parte ng katawan suot ang itim na t-shirt, checkered short pants at asul na sandals.

Ani Juhan, posibleng may kinalaman sa transaksyon ng ilegal na droga ang krimen dahil sa narekober na dalawang pakete ng hinihinalang shabu sa loob ng dilaw na pitaka nito at isang dekalibreng baril.

Sa ngayon, dadaan sa autopsy examination ang katawan ng biktima sa NPD-CLO sa St. Valentine’s Funeral Homes.

Patuloy rin ang isinasagawang imbestigasyon sa naturang krimen.

 

 

Read more...