Red rainfall warning, itinaas ng PAGASA sa Sorsogon

Red Rainfall Warning

Dahil sa malakas at patuloy na buhos ng ulan dulot ng Low Pressure Area, itinaas na ng PAGASA ang red rainfall warning sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa abiso ng PAGASA alas 9:00 ng umaga, mahigit isang oras nang nakaranas ng malakas na buhos ng ulan sa Sorsogon at inaasahang tatagal pa ito sa susunod na dalawang oras.

Inabisuhan ang mga residente na maaring magpatupad ng evacuation dahil posibleng makaranas ng mga pagbaha at landslide.

Samantala, orange warning level naman ang umiiral sa Northern Samar at sa lalawigan ng Albay.

Habang yellow warning level sa Camarines Sur at sa Camarines Norte.

Ayon sa PAGASA, mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang naka-aapekto sa Catanduanes at Masbate.

 

Read more...