Orange Rainfall Warning, itinaas sa dalawang lalawigan dahil sa pag-ulan dulot ng LPA

pagasa yellow & orange rainfall warningBunsod ng patuloy at malakas na pag-ulan na dulot ng Low Pressure Area (LPA) nagtaas na ang PAGASA ng heavy rainfall warning sa ilang lalawigan sa Bicol Region at Eastern Visayas.

Sa abiso ng PAGASA, alas 4:50 ng umaga, orange warning level ang umiiral sa lalawigan ng Sorsogon at sa Northern Samar.

Nagbabala ang PAGASA ng pagbaha sa mga residente na naninirahan sa mababang lugar at malapit sa ilog habang posible rin umano ang landslides sa mga bulubunduking lugar.

Samantala, yellow warning level naman ang umiiral sa Albay, Camarines Sur at Camarines Norte.

Pinayuhan ng PAGASA ang publiko na mag-antabay sa susunod na rainfall warning na kanilang ipalalabas ngayong umaga.

Ang LPA na nagpapa-ulan sa mga nabanggit na lalawigan ay ang dating bagyong Auring.

 

Read more...