PNP, walang naitalang krimen sa Traslacion

 

Sa pagtatapos ng Traslacion ng Itim na Nazareno na tumagal na ng mahigit dalawampung oras, wala pa rin naitatalang krimen ang pulisya.

Ito ay sa kabila pa ng posibleng banta ng terorismo sa nasabing aktibidad.

Ayon kay Plaza Miranda Police Station Commander John Guiagui, sa ngayon ay generally peaceful ang naging prusisyon.

Maging kahit anong uri ng ‘untoward incident’ o anumang direktang banta na magugulo ang prusisyon ay walang naitala ang pulisya.

Sinabi din ni Guiagui na naging mapagmatiyag ang mga deboto kung kaya noong may nakitang inabandonang bag sa harapan ng Sta. Cruz Church ay agad nila itong ipinaalam sa mga pulis.

Pero nang suriin ang naturang bag, wala naman bomba o improvised explosive device na nakapaloob dito.

Samantala, ayon kay National Capital Region Police Office (NCRPO) director C/Supt. Oscar Albayalde, pumalo na sa 2.5 million ang kanilang crowd estimate sa mga nakilahok sa Traslacion ngayong taon.

Read more...