3 babaeng taga-Mindanao, idineklarang National Living Treasures ni Duterte

 

Inquirer file photo

Tatlong babaeng mangha-habi taga-Mindanao ang napili ni Pangulong Rodrigo Duterte para ideklarang National Living Treasures para sa taong 2016.

Kinikilala sa Proclamation No. 126 na nilagdaan ng pangulo noong Enero 6 sina Yabing Masalon Dulo, Ambalang Ausalin at Estelita Tumandan Bantilan bilang Manlilikha ng Bayan.

Si Dulo ay isang B’laan na naghahabi ng ikat sa Mt. Matutum, Polomolok sa South Cotabato; si Ausalin naman ay taga-Lamitan, Basilan na nagsusulong ng tradisyon ng tapestry weaving; habang si Bantilan naman ay isa ring B’laan na manghahabi ng banig na mula naman sa Malapatan, Saranggani.

Read more...