Security deal sa Russia, isinasapinal na ng Duterte admin

 

Inquirer file photo

Pinaplantsa na ng pamahalaan ang pagsasa-pinal ng security deal nito sa Russia, upang mabisita nina Pangulong Rodrigo Duterte at Russian President Vladimir Putin ang mga bansang pinamumunuan ng isa’t isa.

Ayon kay Defense Sec. Delfin Lorenzana, kasama rin sa binubuong kasunduan ang pag-obserba nila sa military exercises ng Russia.

Paliwanag ni Lorenzana, nakasaad sa framework ng memorandum of understanding na lalagdaan na magkakaroon ng exchange of visits.

Sakali aniyang kakailanganin nila ang kasanayan ng Russian military, ay saka sila sasali sa military exercises ng bansa.

Sa kabila naman nito, tiniyak ni Lorenzana na hindi nito maaapektuhan ang matagal nang ugnayan ng Pilipinas sa Amerika.

Dagdag pa ni Lorenzana, ang nasabing kasunduan sa Russia ay hindi mangangahulugan na papayagan nila ang rotational deployment ng mga tropa ng Russia, eroplano at barko para sa mutual defense.

Read more...