Dela Rosa, gustong bumili ng mga bagong helicopter

 

Inquirer file photo

Dismayado si CPNP Ronald Bato dela Rosa na walang magagamit na chopper ang PNP para makapag-monitor sana sa isinasagawang Traslacion.

Giit ni Bato, walang pakinabang ang mga segunda-manong choppers ng PNP na binili noong 2009.

Ayon kay dela Rosa, hindi na kayang i-repair ang dalawang Robinsons choppers ng PNP.

Mas magiging magastos rin aniya kung ipapagawa ang mga ito kaysa bumili ng bago.

Dahil dito, balak bumili ng dalawang bagong choppers ang PNP sa taong ito upang mapalakas pa ang kapabilidad ng PNP.

Kasama umano sa bibilhing mga choppers ang mga bagong kagamitang kukunin ng PNP bilang bahagi ng kanilang move-shoot-communicate upgrading program.

Read more...