Pekeng pulis nahuli habang nagbebenta ng shabu sa Pampanga

Fake PNP
Mabalacat PNP

Makaraan ang ilang araw na surveillance ay naaresto ng mga tauhan ng Mabalacat, Pampanga Municipal Police Station ang isang pekeng pulis na nagbebenta ng shabu sa nasabing bayan.

Inaresto ng mga tauhan ng pulisya sa pangunguna ni Senior Insp. Melvin Florida Jr. ang suspect na si Frederic Bacani, 40-anyos, residente sa 202 Villa Paz Street, Barangay Teresita, Angeles City.

Nakasuot pa ng complete PNP uniform at may dalang baril ang suspek nang siya’y arestuhin ng mga tunay na pulis sa Barangay Dau sa bayan ng Mabalacat.

Nagpapakilala umano ang suspek sa pangalang “Major Bacani”.

Nakuha mula sa kanya ang isang Cal. 45 na baril na may sampung bala at dalawang magazines, pekeng PNP I.D at mga sachet ng shabu na may street value na P10,000.

Inihahanda na ang kasong isasampa laban sa nasabing pekeng pulis na tulak ng ipinagbabawal na gamot.

Read more...