Halos 9,000 pasahero, stranded dahil sa bagyong Auring

FILE PHOTO
FILE PHOTO

Bagaman humina na at naging Low Pressure Area na lamang, nag-iwan pa rin ang bagyong Auring ng libu-libong mga pasahero na stranded sa mga pantalan.

Sa abiso ng Philippine Coast Guard (PCG) nasa 8,767 ang mga stranded na pasahero sa mga pantalan sa bansa na naapektuhan ng bagyo.

Kabilang din sa stranded ang 463 na rolling cargoes, 173 na vessels at 60 motorbancas.

Pinakamaraming naitalang stranded na pasahero sa Central Visayas na umabot sa 3,438; sinundan ng Northern Mindanao na mayroong 2,850 stranded passengers; ikatlo sa Western Visayas na mayroong 1,268 at ikaapat sa Eastern Visayas na mayroong 1,211.

Inaasahan naman na matapos alisin na ang umiiral na public storm warning signal number 1 ay unti-unti nang makabibiyahe ang mga stranded na barko.

Dahil dito, sinabi ng Coast Guard na ngayong araw na ito, makakabiyahe na rin ang mga stranded na pasahero maliban na lamang sa mga lugar na pananatilihin ng PAGASA ang gale warning.

 

 

Read more...