Apat na transmission facilities ng NGCP, naapektuhan ng bagyong Auring

NGCP Photo
NGCP Photo

Bago pa tuluyang humina at maging isang Low Pressure Area na lamang, nakapaminsala pa rin ang bagyong Auring sa mga lugar na dinaanan nito.

Ayon sa National Grid Corp. of the Philippines (NGCP) apat na transmission facilities nila sa Mindanao ang naapektuhan ng bagyo.

Kabilang dito ang 34.5-kilovolt (kV) Puerto-Damlag na nagsu-suplay ng kuryente sa Bukidnon Second Electric Cooperative Inc. (BUSECO); ang 138-kV line 1 na nagsu-suplay sa Siargao Electric Cooperative (SIARELCO), Surigao del Norte Electric Cooperative Inc. (SURNECO) at Surigao del Sur Electric Cooperative Inc. (SURSECO); ang 69-kV line na nagse-serbisyo din sa sa SIARELCO, SURNECO, at Surigao del Sur II Electric Cooperative Inc. (SURSECO II) at ang 69-kV STL Placer-Surigao facility na nagse-serbisyo rin sa SURNECO.

Sinabi ng NGCP na ang mga lugar na sakop ng nabanggit na mga electric cooperatives ay apektado ng power interruption.

Tiniyak naman ng NGCP na kanila nang isinasaayos ang mga naapektuhang transmission lines para maibalik sa lalong madaling panahon ang serbisyo ng kuryente.

Read more...