Maagang nagsimula ang Traslacion ng Itim na Nazareno ngayong taon.
Pasado alas 10:30 pa lamang ng madaling araw ay inumpisahan na ang pag-prusisyon sa Poon mula sa Qurino Grandstand sa lungsod ng Maynila pabalik ng simbahan ng Quiapo.
Libu-libong mga deboto ang nag-abang sa kahabaan ng P. Burgos St. hanggang sa may bahagi ng Katigbak Drive at bisinidad ng Luneta park kung saan unang idinadaan ang andas ng prusisyon.
Ang ilang mga deboto ay hindi alintana ang peligro na makasampa sa karosa na kinalalagyan ang mahal na poon. Mapa-lalaki man o babae, matanda at bata ay nagpumilit na makaakyat sa andas.
At dahil na rin sa dami ng tao ay may ilang mga hinimatay, nasugatan, nahilo, napaltusan ng paa at tumaas ang presyon.
Umabot sa mahigit 80 ang bilang ng mga isinugod dito sa segment one ng Traslacion 2017 emergency post sa hanggang sa sila ay magbaklas pasado alas 10:00 ng umaga.
Samantala, ang Rescue 699 naman ng Ermita-Malate fire and rescue team na nakapuwesto sa gilid ng National Museum ay nakapagtala ng labinglimang bilang ng mga nakaranas ng minor injuries, karamihan ay mga sugat sa paa at nahilo.
Ilang mga deboto ang nagkwento sa kung ano ang naghihimok sa kanila mamanata sa Itim na Nazareno.
Mabilis din namang nakapaglinis ng mga kalat na iniwan ng mga deboto sa bisinidad ng Luneta at sa ilang lugar na dinaanan ng prusisyon ang mga tauhan ng MMDA at iba pang volunteer group.