Mas mabilis ngayon ang usad ng traslacion ng Itim na Nazareno kumpara noong nakaraang taon.
Bago pa mag-tanghali, nakalagpas na ang andas ng Black Nazarene sa Manila City Hall.
Noong nakaraang taon, makapananghali na nang lumagpas sa City Hall ng Maynila andas.
Mas maaga din kumpara sa itinaktang oras ng mga organizer ang pag-alis sa Quirino Grandstand ang prusisyon.
Bagaman bahagyang natagalan sa bahagi ng Roxas Boulevard dahil sa kapal ng mga bilang ng mga deboto, mas naging mabilis pa rin ang naging pag-usad ng traslacion kung ikukumpara sa mga nagdaang taon.
Samantala, alas 11:32 ng umaga kanina, sinabi ng City Disaster Risk Reduction and Management Council (CDRRMO) ng Maynila na mayroong nasa 500,000 ang bilang ng mga lumalahok sa prusisyon, habang mayroong 10,000 ang crowd estimate sa Plaza Miranda.