(UPDATE) Walong biyahe na ang kanselado dahil sa masamang panahon na dulot ng bagyong Auring.
Sa abiso ng Manila International Airport Authority (MIAA), kanselado na ang biyahe ng Philippine Airlines na PR 2071 at 2072 Manila – Calbayog – Manila at ang flights PR 2095 at 2096 Manila – Surigao – Manila.
Kinansela din ng Cebu Pacific ang kanilang 5J 373 at 374 Manila – Roxas – Manila.
Habang ang Air Asia Zest ay kinansela na rin ang flights Z2 350 at 351 Manila – Tagbilaran – Manila.
Ito ay dahil sa nararanasang sama ng panahon sa mga nabanggit na lalawigan bunsod ng bagyong Auring.
Pinayuhan ng MIAA ang mga apektadong pasahero na makipag-ugnayan sa mga airline company para sa refund o rebooking ng kanilang flight.
MOST READ
LATEST STORIES