Matapos ang 4th landfall, mga lugar na nasa ilalim ng Signal No. 1 dahil sa bagyong Auring, nabawasan na

(UPDATE) Labingisang lugar na lamang sa bansa ang nakasailalim ngayon sa public storm warning signal number 1 dahil sa bagyong Auring.

Ito ay matapos ang ikaapat na pagatama sa lupa ng bagyo kaninang alas 4:45 ng madaling araw sa bahagi ng Ubay, Bohol.

Kahapon tatlong beses nagkaroon ng landfall ang bagyo, ang una ay sa Siargao, Surigao del Norte alas 3:00 ng hapon; ikalawa sa Dinagat Province, alas 4:00 ng hapon at ang ikatlo ay sa Paraon Island, Southern Leyte alas 6:00 ng gabi.

Inaasahang magkakaroon pa ng ikalimang landfall ang bagyong Auring ngayong araw sa bahagi ng Cebu.

Sa 8AM weather bulletin ng PAGASA, huling namataan ang bagyo sa bisinidad ng Talibon, Bohol o nasa 40 kilometers Southeast ng Mactan, Cebu.

Taglay pa ring bagyo ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometer bawat oras malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 75 kilometer bawat oras.

Mabagal pa rin ang kilos ng bagyo sa 9 kilometer bawat oras sa direksyong pa-kanluran.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Cuyo Island, Bohol, Siquijor, Negros Provinces, Southern Leyte, Cebu kabilang ang Camotes Island, Guimaras, Capiz, Iloilo, Southern part ng Antique at sa Camiguin.

 

Read more...