May dagdag seguridad na ang tinatayang isang milyon katao na dumadaan sa kanto ng EDSA at Taft Avenue sa Lungsod ng Pasay.
Ito ay dahil sa tatlumpu’t dalawang CCTV cameras na inilagay sa nabanggit na lugar.
Ayon kay Interior Sec. Mar Roxas nagtakda na rin sila ng taxi safe area sa lugar kung saan dapat sumakay ang mga pasahero dahil mayroong nakatutok na mga security cameras.
Ginastusan ng P650,000 ang proyekto at naghati sa nasabing halaga ang pambansang pulisya at ang Filipino Chinese Chamber of Commerce.
Sinabi pa ni Roxas na bago matapos ang taon ay kumpleto na ang mga security cameras sa iba pang crime prone areas sa Metro Manila.
Kabilang sa mga itinuturing na crime prone ang University belt at La Salle Taft sa Maynila; Monumento sa Caloocan City; North Avenue Station ng MRT, West Avenue at Edsa-Aurora sa Quezon City at Baclaran sa Paranaque City./Jan Escosio