Palihim na na-videohan ng isang undercover reporter ang senior political officer na si Shai Masot, habang kausap ang dating aide ng isa pang minister na si Maria Strizzolo tungkol sa mga British lawmakers.
Sa pag-uusap, sinabi ni Duncan na alam ni Strizzolo kung sinong mambabatas ang gusto niyang pabagsakin sa pulitika, at nang tanungin pa, tinukoy niyang ito ay ang deputy foreign minister.
Binanatan niya rin si British Foreign Minister Boris Johnson at tinawag na “idiot.”
Ayon sa tagapagsalita ng embahada, mariin nilang tinututulan ang mga hindi katanggap-tanggap na sinabi ni Duncan, na hindi naman isang Israeli diplomat.
Dahil sa insidenteng ito, agad na tinapos ng embahada ang termino ni Duncan.
Kinumpirma naman ng isang tagapagsalita ng British Foreign office na humingi sa kanila ng tawad si Israeli Ambassador Mark Regev, at nalinawan naman silang hindi ito sumasalamin sa pananaw ng embahada o ng pamahalaan ng Israel.
Matibay aniya ang relasyon ng UK at ng Israel, kaya isinasara na nila ang usaping ito.