Suspek sa Florida airport shooting, posibleng hatulan ng bitay

 

Posibleng mahatulan ng parusang bitay ang Iraq war veteran na suspek sa pamamaril sa Florida airport, kung saan lima ang nasawi, habang anim naman ang sugatan.

Sinampahan na ng Justice Department si Esteban Santiago ng mga kasong may kinalaman sa pagdadala ng armas at pagsasagawa ng karahasan, na posibleng mapatawan ng death penalty.

Namaril si ang bente sais anyos na si Santiago sa Fort Lauderdale airport noong Biyernes, matapos siyang dumating sa paliparan sakay ng isang flight mula sa Alaska.

Si Santiago ay dating nanilbihan nilang Puerto Rico at Alaska National Guard, at nadestino sa Iraq mula April 2010 hanggang February 2011, na natapos sa kaniyang serbisyo noong Agosto.

Noong Nobyembre, tumungo sa opisina ng Federal Bureau of Investigation (FBI) si Santiago sa Anchorage, Alaska at nagreklamo na kinokontrol umano ng national intelligence agencies ang kaniyang isip at pinipilit siyang manood ng mga videos ng Islamic State jihadists.

Samantala, ayon kay FBI special agent George Piro, patuloy nilang inaalam ang motibo ni Santiago sa pamamaril, ngunit isa na sa tinitingnan nilang anggulo ay terorismo.

Read more...