Ang stripping activity ay tumutukoy sa pag-aalis ng mga back up card, modem at external batteries mula sa VCM at CCS o Consolidation and Canvass Units.
Ang proseso ay bahagi ng paghahanda para sa aktuwal na pagsauli ng mga nirentahang makina sa Smartmatic.
Sa isang resolusyon, iniutos ng Korte Suprema na umuupong PET na madaliin ang pagsasagawa ng stripping activities.
Kasabay nito, inatasan din ng PET ang Commission on Elections na payagan ang mga partido at kinatawan ng PET na mag-obserba at magkumento sa pagsasagawa ng stripping activity.
Inaprubahan din ng PET ang pagdaraos ng preliminary discussion sa pagitan ng Comelec, at mga abugado at watcher ng mga partido sa kaso para sa panuntunang ipatutupad sa pagsasagawa ng nasabing proseso, kasama na ang ocular inspection sa warehouse ng Comelec sa Sta Rosa Laguna kung saan gagawin ang stripping activity.