2 estudyanteng nawawala, pinangangambahang nalunod sa ilog sa Norzagaray, Bulacan

MATICTIC RIVER BULACAN
INQUIRER FILE PHOTO

Patuloy ang isinasagawang paghahanap sa dalawang estudyante na nawawala simula pa kahapon, araw ng Sabado sa Norzagaray, Bulacan.

Nakilala ang dalawang estudyante ng Bulacan State University na sina Jericho Burgos ng bayan ng Bulakan at Jaycie Ronwill Balitaosan, 19 taon gulang na mula sa Valenzuela City.

Ayon kay Norzagaray police chief Supt. Rizalino Andaya, huling nakita ang dalawa na naliligo sa Matictic River.

Pangamba ni Andaya, posibleng nalunod ang dalawa dahil hindi sila pamilyar sa ilog na umaapaw kapag tanghali dahil araw-araw nagpapalabas ng tubig ang dam na malapit dito.

Hanggang ngayon ay nagpapatuloy ang ginagawang search operation ng mga miyembro ng Bulacan Rescue Team sa mga nawawalang estudyante.

Read more...