Sa latest weather bulletin ng PAGASA, namataan ang bagyo sa layong 125 kilometers east-southeast ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Taglay nito ang pinaka malakas na hangin na aabot sa 55 kilometers per hour at pagbugso na aabot naman sa 70 kph.
Kumikilos ito sa direksyong west-northwest sa bilis na 7 kilometers per hour.
Dahil dito, itinaas na ang Tropical Cyclone Warning Signal 1 sa mga lalawigan ng Bohol, Siquijor, mga probinsya sa Negros, Southern Leyte, Cebu, Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte kabilang ang Siargao Island, Dinagat Province, Misamis Oriental, Misamis Occidental, Bukidnon, Camiguin, Davao del Norte, Northern Davao Oriental, Northern Zamboanga del Norte, Lanao del Norte, Northern Lanao del Sur at Compostela Valley.
Ayon sa PAGASA, posibleng makaranas ng flashfloods at landslides ang mga lugar na nasa ilalim ng Signal number.
Inabisuhan na din ang mga mangingisda at iba pang may maliliit na sasakyang pandagat na huwag ng pumalot sa eastern seaboard ng Visayas at Mindanao.
Inaasahan na magla-landfall ang bagyong Auring sa Surigao area mamayang gabi o bukas ng umaga, araw ng Lunes.