Suspek sa natagpuang chop-chop na katawan sa Cavite, arestado

cavite-map-300x162Arestado ang isang lalaki matapos gahasain at patayin ang isang college student kung saan natagpuan ang chop-chop na katawan nito sa Trece Martires, Cavite. Inaresto ng pulisya ang suspek na si Alvin delos Angeles at kasalukyang naka-detain sa Trece Martirez Component Police Station. Habang nakilala ang biktima na si Mitzi Joy Balunsay, isang incoming sophomore tourism student sa Cavite State University. Nakasilid sa plastic bag at carboard box ang chop-chop na katawan ni Balunsay at nadiskubre sa sidewalk ng isang subdivision sa Barangay De Ocampo noong Biyernes. Lumabas sa resulta ng autopsy na ginahasa muna ang biktima bago ito sinakal hanggang sa mamatay. Si Delos Angeles ay orgmate sa teatro at dating kasintahan ni Balunsay na nakipahiwalay sa kanya matapos ang kanilang apat na buwan na relasyon. Ayon sa pulisya, umamin ang suspek sa pulisya sa pagpatay sa biktima ngunit kanyang itinanggi na kanya itong ginahasa. Sa kabila nito, kakasuhan ang suspek ng homicide at rape habang sasailalim ito sa drug test kahit na lumabas sa kanilang initial assessment na hindi ito nasa ilalim ng impluwensya ng droga.

Read more...