Doctors Without Borders, namigay ng pagkain sa Boko Haram refugees

inquirer file photo

Nakapagbigay na ang Doctors Without Borders ng pagkain sa 26,000 pamilya na lumikas mula sa Boko Haram Islamic extremists sa Nigeria.

Ang mga naturang refugees ay lubhang nangangailangan ng tulong mula sa iba’t ibang organisasyon. Iniimbestigahan ang mga U.N. agencies at private charities na nag-o-operate sa Maiduguri City kasama ang mga goverment agencies dahil sa korapsyon sa pamamahagi ng pagkain. Noong nakaraang buwan, umapela ang United Nations  ng $1 billion para sa pinakamalubhang krisis sa Africa kung saan nasa .1 million refugees ang nagugutom sa northeast Nigeria. Babala pa nito na maaring mas marami pa ang mamatay sa kagutuman kumpara sa mahigit na 20,000 na napatay sa pitong taong Islamic uprising.

 

Read more...