Sa 6PM update ng Pagasa, huling namataan ang bagyong Auring sa layong 185 kilometers Silangan ng Hinatuan, Surigao del Sur.
Si Auring ay may lakas na 55 kilometers kada oras at pagbugsong umaabot sa 70 kph at tinatawak ang direksyon ng Surigao provinces sa bilis na 7 kilometro bawat oras.
Sa ulat na nakarating sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), hindi na madaanan ang boundary ng mga bayan ng Prosperidad at Talacogon sa Agusan Del Sur dahil sa hanggang bewang nab aha.
Wala namang naiulat na mga residenteng inilikas hanggang kaninang hapon ayon sa ulat ng NDRRMC.
Sa kasalukuyan ay nakataas ang Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa mga sumusunod na lalawigan; Agusan del Sur, Agusan del Norte, Surigao del Sur, Surigao del Norte, Dinagat Province, Misamis Oriental, Camiguin, Davao del Norte at Compostela Valley.