Pagpapatalsik kay Duterte hindi makakabuti sa bansa ayon kay Robredo

Leni-digong
Inquirer file photo

Nanindigan si Vice President Leni Robredo na hindi makakabuti sa bansa ang numang pagtatangka na pabagsakin ang pamahalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Sa isang media interview sa Lambunao, Iloilo ay muling ipinaliwanag ng opisyal na bagaman hindi na siya miyembro ng gabinete ng pangulo pero mananatili umano ang suporta niya sa administrasyon.

Inamin ni Robredo na kabilang siya sa mga tutol sa mga nagaganap na mga kaso ng extra judicial killings pero mali umano ang mga impormasyon na dumating sa pangulo na kabilang siya sa mga nagpa-plano na mapatalsik ito sa pwesto.

Ilang beses din umano siyang inimbitahan sa mga anti-Marcos rallies pero tumanggi siya na pumunta sa mga ito.

Sinabi rin ni Robredo na hindi totoo ang mga balita ukol sa “Leni leaks” dahil siya mismo ay hindi papayag na magkaroon ng anumang pagtatangka na sipain sa pwesto si Duterte.

Read more...