Mga sexy at pole dancers bumida sa isang kakaibang libing sa Taiwan

Taiwan Dancer
CNN

Usap-usapan ngayon sa social media partikular na sa Facebook, Weibo at Youtube ang kakaibang libing ng isang namatay na pulitiko sa Chiayi County sa Taiwan.

Imbes na mahabang pila ng mga nagluluksang kaanak at mga kaibigan ay isang masaya, maingay at puno ng sayawan na libing ang nasaksihan ng kanyang mga kababayan.

Sinabi ng anak ng namatay na si dating Chiayi Country Council Speaker na si Tung Hsiang na gusto ng kanyang 76-anyos na ama na maging masaya ang kanyang libing kapag siya’y namatay na.

Bukod sa pagiging mahilig sa night life ay tagahanga rin umano ng mga malalaking off-road vehicles ang kanyang ama.

Bilang pagsunod sa bilin ng namatay ay umarkela ng limampung mga 4X4 Jeep ang anak ni Tung at pinalagyan ang mga ito ng pole sa mga bubungan.

Sa mismong araw ng libing ay nakahilerang umarangkada ang mga sasakyan habang nagsasayaw sa ibabaw nito ang mga sexy at pole dancers na walang ipinag-iba sa mga eksena sa mga club na madalas tambayan ng namatay na pulitiko.

Nagulat ang mga nakasaksi sa libing at kanilang sinabi na ngayon lang nagkaroon ng ganoong uri ng paghahatid sa huling hantungan sa isang namatay sa kabuuan ng Taiwan.

Sinabi ng mga anak ni Tung na alam nilang masaya ang kanilang ama dahil naging masaya ang kanyang libing.

Read more...