Bagyong Auring nakapasok na sa Pilipinas

Auring1Isa nang ganap na bagyo ang Low Pressure Area (LPA) na binabantayan ng Pagasa sa nakalipas na ilang araw.

Sa kanilang weather advisory na inilabas kaninang ala-una ng tanghali, ang kauna-unahang bagyo para sa taong kasalukuyan na si Auring ay huling namataan sa 260 kilometers Silangan Timog-Silangan ng Hinatuan, Surigao Del Sur.

Taglay ni Auring ang lakas na 45 kilometers per hour at pagbugsong umaabot sa 55 kph.

Sinabi ng Pagasa na magdadala ng mag malalakas na ulan ang nasabing bagyo lalo na sa ibabaw ng Surigao provinces.

Posible rin ang pagkakaroon ng flashfloods at landslides sa mga lugar na may Tropical Cyclone Warning Signal.

Nakataas ngayon ang mga Tropical Cyclone Warning Signal number 1 sa mga lalawigan ng Agusan del Sur, Surigao del Sur, Surigao del Norte at Dinagat Islands.

Read more...