80 arestado sa raid laban sa Maute group sa Quiapo, Maynila

quiapo raid
Kuha ni Richard Reyes ng Philippine Daily Inquirer

(Developing story) Arestado ang 80 katao sa raid na isinagawa sa Islamic Center sa may Palanca St., Quiapo, Maynila.

Isinagawa ng pinagsanib na pwersa ng National Capital Region Police Office (NCRPO), Manila Police District (MPD), Special Weapons And Tactics (SWAT) team, at Explosive Ordnance Disposal (EOD) unit ng Philippine National Police (PNP) ang naturang operasyon laban sa Maute group.

Sa ngayon ay dinala na ang nasabing 80 katao sa MPD para sa verification.

Matatandaang mas hinihigpitan na ngayon ng pulisya ang seguridad ngayon lalo na sa Maynila dahil sa nalalapit na Traslacion ng Poong Itim na Nazareno sa Lunes.

Read more...