Dumalaw si Pangulong Rodrigo Duterte sa burol ng yumaong anak ni Presidential Chief Legal Counsel Salvador Panelo.
Pasado alas-dose ng madaling araw nang dumating ang Pangulo sa Cosmopolitan Memorial Chapels and Crematory sa Araneta Avenue, Quezon City.
Tumagal ng halos dalawang oras ang pagdalaw ni Pangulong Duterte sa burol ng anak ni Panelo.
Kahapon nang pumanaw ang anak ni Panelo na si Salvador Carlo the third sa edad na bente-siyete dahil sa kumplikasyon sa puso.
Ayon kay Panelo, nagpapasalamat pa rin siya at binigyan ng mas mahabang buhay ang kanyang anak na mayroong Down syndrome.
Una nang nagpahayag ng pakikiramay ang Palasyo ng Malacanang sa pamilya Panelo.
MOST READ
LATEST STORIES