Lalaking una nang sumuko sa Oplan Tokhang, pinagbabaril, patay sa Brgy. Talipapa, QC

talipapa qc
Kuha ni Cyrille Cupino

Patay ang isang lalaki matapos tambangan sa Campo Dos, Brgy. Talipapa, Quezon City.

Kinilala ang biktimang si Aries Villanueva, dating welder, 36-anyos, na una na umanong sumuko sa Oplan Tokhang.

Ayon sa kapatid ng biktima na si Joel Villanueva, aminado siyang dating drug-user ang kanyang kapatid, pero tumigil na umano ito sa paggamit ng droga.

Linggo-linggo rin umanong sumasali sa pagsasayaw ng Zumba ang biktima, at wala naman umano itong kaaway sa kanilang lugar.

Ayon kay Joel, naka-tambay lamang ang kanyang kapatid nang biglang pagbabarilin ng limang armadong suspect.

Batay sa kuha sa CCTV, limang lalaki na naka-‘face mask’ ang pumasok sa compound ang hinihinalang pumatay kay Villanueva.

Naglakad lang umano palabas na parang walang mangyari ang mga suspect matapos ang pamamaril.

Read more...