Ito ay may kaugnayan sa umano’y pag-transfer ng bilyong dolyar na halaga ng ginto sa isang kumpanyang nasa Thailand.
Kabilang rin sa mga kinasuhan ay sina Sen. Leila de Lima, Sen. Franklin Drilon, dating Interior Sec. Mar Roxas at dating Finance Sec. Cesar Purisima.
Sa isang pahayag, sinabi ni BSP Assistant Governor at General Counsel Elmore Capule, sa madaliang inspeksyon pa lamang ng sinasabing BSP Circular No. 49 Series of 2014, mababatid agad na ito ay peke.
Isang Rogelio Cantoria at Atty. Fernando Perito ang nagsampa ng kasong plunder laban sa mga nabanggit na dati at kasalukuyang opisyal ng gobyerno, base sa kumalat na BSP Circular 49 sa iba’t ibang Facebook pages at news blogs.
Ngunit giit ni Capule, mayroon silang limang dahilan na nagpapatunay na peke ang nasabing dokumento.
Una aniya, ang isyung ito o ang Production of the United States of America Currency Notes, ay labas na sa kapangyarihan ng BSP.
Ikalawa, ang sinasabing Circular No. 49 ay inilabas noon pang September 20, 1994, at hindi noong 2014, na kaugnay rin sa iba pang usapin.
Ikatlo, iginiit nila na ang nakasaad sa Republic Act No. 7735 ay tungkol sa batas na nagtataas ng minimum wage ng mga kasambahay, at hindi tungkol sa otoridad na pag-produce ng US Dollars tulad ng nakalagay sa pekeng dokumento.
Ika-apat, ang Republic Act No. 7735 ay batas na nag-eestablish sa Lorenzo S. Sarmiento, Sr. National High School sa Davao, at hindi para sa pag-produce ng mga pondo.
Habang ang ika-lima at huli naman, nilagdaan umano ng tatlong miyembro ng Gabinete, ng Senate President at ng Governor ang nasabing pekeng dokumento.
Gayunman, nilinaw nila na tanging mga opisyal ng BSP lamang ang pumipirma sa kanilang mga circulars.