Ito anila ay kung mayroon ngang isinagawang sariling imbestigasyon ang COMELEC kaugnay ng nangyaring pangha-hack sa kanilang database kung saan nailabas sa publiko ang mga sensitibong impormasyon ng mga botante.
Ayon sa Palasyo, may pananagutan ang COMELEC sa mga hawak nitong data upang ito’y maprotektahan mula sa anumang panganib ng identity theft at posibilidad na magamit ito sa pandaraya.
Sabi ni Presidential Communications Office Secretary Martin Andanar, panahon na rin naman upang tuluyan nang wakasan ang aniya’y election-related maneuverings at matiyak na anomang tangkang sirain ang kagustuhan ng tao ay hindi magtatagumpay.
Pahayag pa ni Andanar, hindi dapat na ipagkibit-balikat na lamang ang isyu sa Comeleak na maituturing na pinakamalalang senaryong nangyari sa government-controlled database.
Samantala, pinuri naman ni Andanar ang National Privacy Commission dahil sa pagtatanggol nito sa mga Pilipino nang malabag ang kanilang pribadong karapatan.