Dalawa pang senador ang nagpahayag ng kanilang matinding pagtutol sa plano ng gobyerno na magpataw ng karagdagang buwis sa mga produktong petrolyo.
Ayon kay Senate Minority Leader Ralph Recto, walang dahilan para magpatupad ng excise tax dahil wala namang nagaganap na fiscal crisis.
Para kay Recto, wrong timing ang hakbang ng gobyerno ngayong tumataas rin ang presyo ng krudo sa pandaigdigang merkado.
Aniya ang dapat gawin ay pagandahin ang revenue collection system ng Bureaus of Customs at Internal Revenue bukod pa sa dapat ay tuldukan na ang smuggling.
Tutol rin si Majority Leader Tito Sotto sa balakin na ito ng gobyerno.
Payo ni Sotto, dapat raw munang humanap ng iba pang sources ng revenue ang mga economic managers bago puntiryahin ang pagkolekta ng buwis sa langis.
Una nang tinutulan nina Senators Chiz Escudero at Leila de Lima ang pagpapataw ng dagdag buwis sa langis.