Naitalang fireworks-related injuries umabot na sa 630; mas mababa ng 32% kumpara noong nakaraang taon

Kuha ni Wilmor Abejero
Kuha ni Wilmor Abejero

Umabot sa 630 ang kabuuang bilang ng naitalang fireworks-related injuries ng Department of Health (DOH) mula December 21, 2016 hanggang January 5, 2017.

Mas mababa ang nasabing bilang ng 32% kumpara sa 319 na kaso na naitala noong pagsalubong sa taong 2016.

Ito rin ang pinakamababang bilang ng fireworks related injuries na naitala sa nakalipas na limang taon.

Sa 630 na kaso, 627 ang fireworks injuries, 3 ang kaso mg firecrackers ingestion at walang napaulat na nasawi.

Ang ipinagbabawal na piccolo ang pangunahing dahilan ng pagkasugat ng mga biktima na umabot sa 192 o 31%, habang ang iba pang firecrackers causing injuries ay kwitis, luces, five-star, at iba pang hindi tukoy na uri ng paputok.

Sa Metro Manila naitala ang pinakamaraming kaso na 340 o 54% na sinundan ng Western Visayas na mayroong 78 kaso at ikatlo ang Region 3 na may 47 na kaso.

Sa NCR, ang Maynila ang may pinakamaraming bilang ng nabiktima sa paputok na umabot sa 112, sa Quezon City ay 76 at sa Marikina City ay 27.

Ayon sa DOH, sa buong Metro Manila, tanging sa Muntinlupa City lamang walang naitalang biktima ng paputok.

Pinasalamatan naman ni Health Sec. Pualyn Ubial ang mga local government unit na nag-organisa ng public firework displays na nakatulong ng malaki sa kampanya ng pamahalaan kontra sa pagpapaputok sa mga kabahayan.

 

Read more...